Ako si Frederick Espenilla Serafino. Nasa tamang edad na nagmula sa probinsya ng Bataan. Ako ang lalaking hinugot sa matres ng nanay ko at hinubog sa semilya ng tatay ko. Singkit na pangit. Macho pero payat.

Madami sa atin na mas pinipili ang maging single muna sa loob ng mahabang panahon. Siguro dahil mas gusto nila na hintayin ang tamang tao para sa kanila. Siguro rin may naiwan pang takot sa mga isipan nila na baka pagpasok nila muli sa isang relasyon, masaktan lang ulit sila. Oo tama sila sa “Kakambal ng pagmamahal ang masaktan.” pero bakit kelangan mong masaktan kung handa ka namang maghintay para sa taong alam mo na hindi gagawin sayo yun. Nakakabilib lang yung mga taong hindi napuputol ang pasensya sa paghihintay. Parang minsan nga naisip kong magpa-autograph sa dibdib sa mga ganitong tao. Yung mga taong naghihintay ng tamang tiyempo, oras, lugar, at tao. Hindi naman kasi kailangang madaliin kasi sabi nga nila, “Hindi naman ito parang project na may deadline.” Minsan kasi mas nakakabuti pa yung naghihintay ka na kusang dumating sayo yung taong ‘yon dahil wala kang pinilit. Hindi umabot sa puntong kinailangan mong ipagsiksikan ang sarili mo para lang mahalin ka. Hindi naman porket naghihintay ka lang, eh ibig sabihin wala kang ginagawa para hanapin yung taong ‘yon. Naniniwala kasi ako na ang tadhana ang gagawa ng paraan para magkrus ang landas niyong dalawa. Minsan nga hindi mo aakalain na yung taong nakabunggo mo habang naglalakad ka sa overpass, ay yun pa ang taong kukumpleto sa buhay mo. Sa hindi mo inaasahang pangyayari, yung babaeng magtataray sayo ay yun pa ang hahabol sayo dahil sa nahulog na ang loob niya sayo. Walang nakakaalam. Kahit na ipahula mo pa ang kapalaran mo ngayong taon ng 2013 kay Madam Zen, hindi niya kayang ipredict kung sino ang eksaktong tao para sayo. Kadalasan, kung sino yung mga marunong maghintay, sila pa yung nakakakuha ng bonus. “Good things come to those who wait.” ika nga. At ang maganda, ang mga naghihintay, ang mga single, kabilang na ako, kami pa yung MASASAYA.

PS: utang ko ang title sa post na ito sa isang kaibigan. Salamat dahil dito.

  1. heymskhayehan reblogged this from binatangpayat
  2. binatangpayat posted this