Ako si Frederick Espenilla Serafino. Nasa tamang edad na nagmula sa probinsya ng Bataan. Ako ang lalaking hinugot sa matres ng nanay ko at hinubog sa semilya ng tatay ko. Singkit na pangit. Macho pero payat.

"Hayahay ang buhay." Yan ang sabi ko habang sinisira ko ang puting sobreng pinamamahayan ng kauna-unahan kong sahod sa aking summer job. Malit para sa mga professionals at sa mga karaniwang empleyado, pero sa totoo lang, ako mismo nalula sa halaga ng nakuha kong pera para sa isang buwan kong pagtatrabaho. Ang inaakala ko lang naman kasi talaga eh yung sapat lang na pera para makabili ako ng isang bagong pares ng sapatos. Hindi ko naman inaakala na kaya ko pala magbayad ng tatlong buwang bill ng kuryente at isang buwang bill ng tubig namin. Yung nanay ko, tuwang-tuwa nung ibinigay ko yung pera na nakalaan para dun sa bayarin sa bahay. Yung tatay ko naabutan ko lang ng maliit na halaga, ipinaghanda pa ako ng napakasarap na almusal kinaumagahan. Ang sarap pala talaga sa feeling na ikaw na anak, to think na isa pa lamang akong normal na estudyante, ay nakakatulong na kahit papaano sa kanila. Kahit sa maliit na bagay lang nasusuklian ko sila. Yung pagod ko para sa isang buwan, napalitan ng ngiting panghabambuhay. Ang sarap sa feeling. Kahit na pag-inom nalang ng tubig ang pahinga namin sa trabaho, napawi nun lahat yun nung nahawakan ko ang una kong sweldo. Hayahay ang buhay.

  1. binatangpayat posted this